thank you sis! Di rin nawawala sa bahay yung fudgee bar kasi fave ng dalawa yan hehe
picky eater kasi si kuya unlike my bunso, so yung baon nya lang yung mga nasisingitan ko ng gulay like lettuce, tomato and cucumber sa sandwich at yung malunggay or celery sinasama ko paggiling ng chicken to make nuggets, at kinakain nya naman without complaining hahahah not sure kung gutom sya sa school o maganda yung presentation ng food at naitago yung gulay or what pero so far nauubos nya ung baon nya, sa bahay kasi if my other food options sya, ginigilid nya sa plato yung gulay, kakaloka hahaha
Yan na lang talaga diskarte ihalo mo na di nya masyadong mapapansin hehehe. Yung nuggets mo ba ipost mo na ba Yun? Baka pwede naming matry din ehehhe.
Curious pala Ako sa mga pancake and waffles mo, kunti lang niluluto mo so kunti lang din Ang mixing Ng ingredients? Share Naman your recipe hehehe
wala pa ako nabavlog hahahha busy pa sis puro actifit na nga lang muna
yes unti lang minimix ko, 1 cup and 2 tbsp lang na flour, good for 6-8 pancakes lang wait share ko recipe here
1 cup and 2 tbsp flour
1 1/2 tbsp sugar
2 tsp baking powder
1/4 tsp salt
1 cup fresh milk
1 large egg
2 tbsp melted butter
1/2 tsp vanilla
pwede sub water sa milk and oil sa butter pero dahan lang pag mix ng liquid since iba iba absorption ng flour sa liquid, dapat di runny at the same time di rin too thick yung batter
hanapin ko ung orig link ng kinopyahan ko ng recipe sis, send ko dito later
Anong klase na flour gamit mo sis?
All purpose flour lang sis,
https://fb.watch/n6DyUvCK-E/?mibextid=Nif5oz
yan sis
Salamat sis