MCGI TOPIC REVIEW: Pagiging mapanalanginin ano ang pakinabang? 🙌🤗😇

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! 😇

Masayang makabalik muli dito sa Community upang magbahagi muli ng aking panibagong repleksyon mula sa isa mga topics na makikita natin sa YouTube Channel ng MCGI Cares, at ito ay may pamagat na, "Pagiging mapanalanginin ano ang pakinabang?"

Tiyak na marami na naman akong matutunan dito at pati na rin kayo dahil sa aking palagay ay magandang pag-usapan natin ito ngayon lalong lalo na sa mga pangyayari sa ating bansa at maging sa ating mga buhay.

Pero bago ang lahat, pahintulotan ninyo muna ako na magpasalamat sa inyong lahat lalong lalo na sa lahat na laging sumusuporta sa akin sa tuwing meron akong mga repleksyon. Mula sa mga Community Admins, mga Curators at pati na rin sa lahat ng mga membro sa community.

Marami ngang mga bagay ang nangyayari ngayon sa ating bansa at maging sa ating mga sariling mga buhay kung kaya kailangan nating manalangin sa Dios palagi.

Ang pagpanalangin sa Dios ay isang mahalagang gawain natin sa araw-araw dahil sa pamamagitan ng panalangin ay nakakapag konekta tayo sa Dios at nakakapag usap tayo sa Dios.

Sa ating mga sariling mga buhay at ating mga pamilya, marahil ay marami tayong mga dalamhating dinaranas pero kung tayo ay mapanalanginin na tao, tayo magkakaroon ng mapayapang buhay at pamilya.

Hinding hindi tayo pababayaan ng Dios sa bawat dalamhati at problemang ating dinaraan sa buhay kung ugaliin natin sa ating mga buhay araw-araw ang maging mapanalanginin sa Dios.

Kapag ang mga tao ay nanalangin sa Dios, Siya matutuwa sa atin at tayo'y makaka siguro na hinding hindi tayo pababayaan ni Lord.

Gusto ni Lord na tayo ay lumalapit sa Kanya sa pamamagitan ng ating mga panalangin, kung kaya dapat natin itong isa buhay sa bawat araw na nagdaan sa atin.

Filipos 4:6-7 "Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

Habang tayo ay nabubuhay sa mundong ating ginagalawan ngayon, hindi rin natin maiiwasan ang mga problem o mga kabalisahan sa buhay.

Pero ayon sa Salita ng Dios hindi dapat tayo mangabalisa dahil nandyan ang Dios na laging tumutulong sa atin, ang dapat lamang nating gawin ay ang manalangin sa Kanya.

Ang lahat ng mga problema at mga daing natin ay Ipanalangin natin sa Dios na merong mga pagpasalamat sa Kanya. Kung tayo ay mapanalanginin sa Dios, makakamtan natin ang kapayapaan dahil nasa Dios lamang ang totoong kapayapaan.

Ang turo ng Dios sa atin sa tuwing meron tayong mga problema, kabalisaan sa buhay ay manalangin. Kung tayo ay naghihirap sa mga nangyayari sa ating mga buhay, tayo ay manalangin huwag dapat tayong mabalisa dahil alam natin na sa tuwing tayo ay manalangin sa Dios, ang Dios ay laging tutulong sa atin.

Ayon pa sa Salita ng Dios na ating mababasa sa itaas, ang iniingatan ng Dios ay ang ating mga puso at isipan kung kaya kapag tayo ay nananalangin sa Dios at isabuhay natin ito, hinding hindi tayo ma dedepress kahit na marami pang mga problema ang darating sa atin.

Maraming mga pangyayari dahil na rin sa mga problema ay nagpapakamatay dahil na depress o nawalan na nang pag-asa, pero ating alalahanin palagi na ang ating pag-asa ay wala sa mundong ito kundi nasa Dios lamang. Bagamat marami tayong pinagdadaanan sa mundong ito, huwag na huwag tayong mawalan ng pag-asa at pagtitiwala sa Dios.

Ngayon para sa aking pang huling masasabi tungkol sa topic na ito, masasabi ko na kailangan talaga nating isa buhay ang pagiging mapanalanginin sa Dios.

Isa itong pagpapa-alala sa akin at sa ating lahat na mahalaga at malaki ang pakinabang ng pagiging mapanalanginin sa Dios dahil ito lamang ang paraan upang makapag konekta at maka usap natin ang Dios at para makapamuhay tayo ng mapayapa.

At ang paalala lamang na ang ating pagasa ay nasa Dios lamang kaya huwag dapat tayong mangamba sa lahat ng mga problemang dinaranas natin ngayon at magpakailan man.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Pagiging mapanalanginin ano ang pakinabang?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! 😇🙌☝️

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.