A Prosperous and a Bright Future

in Cent7 months ago (edited)

For I know my plans for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. - (Jeremiah 29:11)

Who among us does not want to have a good future? That's why we work hard and invest in our children's education. But we also noticed that not everyone who works hard and has good grades in school becomes successful in life. Some things are beyond our control that become an obstacle to having a good life, such as disasters and illnesses and the oppressive structures in our society.

Jeremiah 29:11 says that God has a good plan for our future, which is abundant and full of hope. Many dreamers use this verse to encourage those discouraged and uncertain about their future.

Let's not forget that this verse is part of the Holy Scriptures that Jews and Christians consider to be the Word of God. And since it is the Word of God, we must properly understand what it says before we can apply it to our current situation. For us to do this, it is very important to examine the literary and historical contexts of this text.

Literary and Historical Contexts

If we read the entire chapter 29 of Jeremiah, we will see that it is a letter from the Prophet Jeremiah who came from Jerusalem to his countrymen who were exiled to Babylonia. At that time, the Jews hoped that their exile would not last long and that soon, they would be able to return to their homeland.

On the one hand, the message of the prophet's letter was sad because it was contrary to Jewish expectations. The Jews exiled to Babylonia were struggling with hopelessness, uncertainty about the future, and a sense of being abandoned by God. They were hoping for a quick return to their native country because they thought their exile was only temporary. Sad to think, instead of a quick return to the city, Jeremiah said they would have to wait a generation before returning to Jerusalem. Imagine the anger and desperation among the Jews in Babylonia when they heard this message

Telling the truth is often hard for most to swallow. We only want to accept things that sound good to our ears. We get angry when what we hear is contrary to our expectations.

These are the literary and historical contexts of our verse.

Central Theme and Idea

The theme of this verse has to do with God's good plans for his people. It shows that God controls the events of the nations including the exile of the Jews to Babylonia and the limit of their stay in this Empire. This plan would happen after God's people were judged for their sins and would take place according to the appointed time. This is also part of God's redemptive plan for his people. God wanted the Jews in Babylonia to have a long-term perspective. It also shows that despite their infidelity, God remained faithful to his covenant and did not forget his promises.

It is natural for us to trust our plans. Or in other cases to rely on false promises. In addition, we tend to use God's promises for our interests. Often this approach to life fails.

What does it mean to trust God's plans in our lives?

Trusting God's promise does not mean we do nothing, verses 5 -7.

The prophet gave five things for the Jews to do while they were in Babylon:

  • Build a house
  • Plant a garden
  • Marry and reproduce
  • Seek the peace and prosperity of the city, and
  • Pray for the peace and prosperity of the city

In other words, contrary to what the Jews thought, they were supposed to settle down in Babylonia for a long time.

In our life, we ​​must avoid two things. First is the overconfidence in ourselves and neglecting things that have to do with God. The second is to make faith in God as an excuse for our lack of planning and diligence in work. I often hear this from many. All that is needed is faith and there is no need to plan detailed things to do. Or maybe it is if in studies, thinking that prayer is enough and there is no need to be active in studies to get high marks.

For many Filipinos, developing a long-term mindset isn't easy. In many things, especially in finance, what we want is fast, so we often end up in scams. We don't want to wait for many years before seeing the fruit of our hard work. If you want to change the lives of your families and our people, we can start by adopting a long-term mindset.

Trusting God also means avoiding frauds and lies that are prophesied in the name of the Lord, verses 8 -9.

During Jeremiah's time, many prophets were prophesying that the Jews would soon return to their homeland. This is what they want to hear. Jeremiah's message was not popular among his countrymen so he was hated.

Likewise in our time, it is difficult for us to find the truth if we only follow the crowd. Often the truth is painful to accept because it describes our true condition.

Third and finally, God's promise is best, verses 10-11.

Although contrary to their expectations, God's promise is the best. They thought that during their stay in Babylonia, they would continue to live in poverty. They also thought that God had a bad plan for them. Because of this, they lose hope and their vision of their future becomes dim. But if they do their duties that the prophet said and they avoid the message of the false prophets, they will witness that God's plan for their stay in Babylonia is for them to prosper, be given hope, and have a good future.

In the New Testament, we can find God's promise of having a good life by accepting the gospel of the Lord Jesus Christ. In him, we can find a life that is full and satisfying. His call is for us to abandon our selfish lives and live with none other than God as the center. Only in this way can we realize our humanity that we live for His glory and be with him happily ever after. Amen!

-0-0-0-

Sino ba sa atin ang ayaw na magkaroon ng magandang kinabukasan? Kaya nga tayo nagsisipag sa trabaho at nag-iinbest tayo sa edukasyon ng ating mga anak. Pero napansin din natin na hindi lahat ng masipag sa trabaho at may magandang grado sa eskuwela ay nagiging matagumpay sa buhay. May mga bagay-bagay na hindi natin kontrolado na nagiging sagabal sa pagkaakroon ng magandang buhay tulad na lamang ng mga sakuna at karamdaman at ang mga mapanikil na sistema sa ating lipunan.

Dito sa ating teksto ang Jeremiah 29:11 na kung saan ay nagsasabi na ang Diyos ay may magandang plano para sa ating kinabukasan, isang kinabukasan na masagana at punung-puno ng pag-asa. Maraming mga mangangarap ay ginagamit ang talatang ito upang magbigay ng encouragement sa mga pinanghihinaan ng loob at nalalabuan sa kanilang hinaharap.

Huwag nating kalilimutan na ang talatang ito ay bahagi ng Banal na Kasulatan na itinuturing ng mga Hudyo at ng mga Kristiyano na Salita ng Diyos. At dahil sa ito ay Salita ng Diyos, dapat nating maunawaan ng wasto kung ano ba talaga ang sinasabi nito bago natin mailapat sa ating kasalukuyang kalagayan. At upang magawa natin ito, napakahalaga na suriin ang literary at historical context ng talatang ito.

Literary and Historical Contexts

Kung ating babasahin ang buong chapter 29 ng Jeremiah, matutunghayan natin na ito ay isang liham mula kay Propeta Jeremiah na nanggaling sa Jerusalem para sa mga kababayan niya na itinapon sa Babylonia. Noong panahon iyan, inaasahan ng mga Hudyo na sila ay hindi magtatagal sa kanilang pagkatapon at sa lalong madaling panahon, sila ay muling makakabalik sa kanilang bayan.

Sa isang banda, nakakalungkot ang mensahe ng liham ng propeta sa dahilan na ito ay salungat sa inaasahan ng mga Hudyo. Ang mga Hudyong itinapon sa Babylonia ay nakikipaglaban sa kawalan ng pag-asa, kawalan ng katiyakan sa hinaharap, at pakiramdam na sila ay iniwan na ng Diyos. Sila ay umaasa s amabilis na pagbabalik sa sinilangang bayan dahil sa tingin nila ang kanilang pagkatapon ay pansamantala lamang. Nakalulungkot mang isipin, sa halip na dagliang pagbabalik sa bayan, sinabi ni Jeremiah na kinakailangan silang maghintay ng isang generasyon bago makabalik sa Jerusalem. Imagine the anger and desperation sa mga Hudyo na nasa Babylonia ng marinig nila ang mensaheng ito.

Ang pagsasabi ng katotohanan ay kadalasan mahirap lunukin ng nakararami. Gusto lamang nating tanggapin ang mga bagay na maganda sa ating pandinig. Tayo ay nagagalit pag salungat sa ating inaasahan ang ating napapakinggan.

Ito ang literary at historical contexts ng ating talata.

Central Theme and Idea

Ang tema ng talatang ito ay may kinalaman sa magandang mga plano ng Diyos para sa kaniyang bayan. Ipinapakita dito na kontrolado ng Diyos ang mga pangyayari sa mga bansa kasama na ang pagkatapon ng mga Hudyo sa Babylonia at ang hangganan ng kanilang pananatili sa Emperyong ito. Ang planong ito ay mangyayari pagkatapos na mahatulan ang bayan ng Diyos sa kaniyang mga kasalanan at ito ay magaganap ayon sa itinakdang panahon. Ito rin ay bahagi ng redemptive plan ng Diyos para kaniyang bayan. Nais ng Diyos na ang mga Hudyo sa Babylonia ay magkaroon ng long-term perspective. Ipinapakita rin dito na sa kabila ng kataksilan ng bansang Israel, ang Diyos ay nanatiling tapat sa kaniyang tipan at hindi niya nililimot ang kaniyang mga pangako.

Likas sa ating mga tao ang magtiwala sa sarili nating plano. O dili kaya ay ang umasa sa mga huwad na pangako. Dagdag pa dito ay ang paggamit ng mga pangako ng Diyos para sa pansarili nating interes. Kadalasan ang ganitong approach sa buhay ay nauuwi sa kabiguan.

Ano ang ibig sabihin ng pagtitiwala sa mga plano ng Diyos sa ating buhay?

Ang pagtitiwala sa pangako ng Diyos ay hindi nangangahulugan na wala tayong gagawin, verses 5 to 7.

Ang propeta ay nagbigay ng limang mga bagay na dapat gawin ng mga Hudyo habang sila ay nasa Babylonia:

  • Magtayo ng bahay
  • Magtanim
  • Mag-asawa at magparami
  • Hanapin ang katiwasayan at kasaganaan ng siyudad
  • Ipanalangin ang kapayapaan at kasaganaan ng siyudada

Sa ibang salita, salungat sa inisip ng mga Hudyo, sila ay dapat na mag settle down sa Babylonia sa mahabang panahon.

Sa buhay natin dalawang bagay ang dapat nating iwasan. Una ay ang labis na tiwala sa ating mga sarili at pagwawalm bahala sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos. At ang ikalawa ay gawing dahilan ang pananampalataya sa Diyos sa ating kawalan ng pagpaplano at kasipagan sa paggawa. Ito ay madalas kong naririnig sa marami. Pananampalataya lang ang kailangan at hindi na kailangan pang magplano ng mga detalyeng bagay na dapat gawin. O dili kaya ay kung sa pag-aaral, iniisip na ang panalangin ay sapat at hindi na kailangan pang maging masugid sa pag-aaral upang makakuha ng mataas na marka.

Sa ating mga Filipino, napakahirap madevelop ang tinatawag na long-term mindset. Sa maraming bagay lalo na sa pananalapi ang gusto natin ay mabilisan kaya tayo ay madalas na naloloko. Hindi natin nais na maghintay ng maraming mga taon bago makita ang bunga ng ating pinagpagalan. Kung gusto natin mabago ang buhay ng ating mga pamilya at ng ating bayan, tayo ay maaaring magsimula sa pagkaakroon ng long-term mindset.

Ang pagtitiwala sa Diyos ay nangangahulugan din ng pag-iwas sa mga pandaraya at mga kasinungalingan na ipinangangaral gamit ang pangalan ng Panginoon, verses 8 to 9.

Noong panahon ni Jeremiah, napakaraming mga propeta ang nangangaral na ang mga Hudyo ay dagliang pagbabalik sa kanilang bayan. Ito ang gusto nilang marinig. Ang mensahe ni Jeremiah ay hindi popular sa kaniyang mga kababayan kaya siya ay kinamumuhian.

Gayundin naman sa ating panahon, mahirap nating masumpungan ang katotohanan kung tayo ay susunod lamang sa mga uso. Kadalasan ang katotohanan ay masakit tanggapin sapagkat isinasalarawan nito ang tunay nating kalagayan.

Ikatlo at panghuli, ang pangako ng Diyos ay pinakamainam, verses 10 and 11.

Bagamat salungat sa kanilang inaasahan, ang pangako ng Diyos ay pinakamainam. Inaakala nila na sa kanilang pananatili sa Babylonia, sila ay patuloy na maghihirap. Inaakala din nil ana may masamang balak ang Diyos sa kanila. Dahil dito, sila ay nawalan ng pag-asa at lumalabo ang kanilang pagtingin sa kanilang kinabukasan. Subalit kung gagawin nila ang kanilang mga tungkulin na sinabi ng propeta at iiwasan nila ang mensahe ng mga bulaang propeta, masasaksihan nil ana ang plano ng Diyos sa kanilang pananatili sa Babylonia ay ang sila ay sumagana, mabigyan ng pag-asa, at magandang kinabukasan.

Sa Bagong Tipan, masusumpungan natin ang pangako ng Diyos ng pagkakaroon ng magandang bukas sa pamamagitan ng pagtanggap ng ebanghelyo ng Panginoong Hesukristo. Sa kaniya, tayo ay makasusumpong ng isang buhay na ganap at kasiya-siya. Ang kaniyang panawagan ay talikuran natin ang ating makasariling buhay at mabuhay na ang sentro ay walang iba kundi ang Diyos. Tanging sa ganitong paraan lamang natin maisasakatuparan ang ating pagiging tao na tayo ay nabubuhay para sa Kaniyang kaluwalhatian at makasama siyang maligaya magpasawalang hanggan. Amen!

Sort:  

Ui okay to na may mga reflection post narin sa Tagalog, hindi ako ganun ka fan ng verse na ito dahil narin sa palasak na connotation na ito sa mga post ng ibang tao.

Suggest ko pag ganitong may reflection post ka gamit ka ng tags such as #religion for added reach narin.

Ok bang gamitin ang tag na yan? Iniisip ko kasi baka divisive and discriminatory, kaya I preferred yong general tag na #spirituality. Pero kung useful, why not?

parehas lang naman sya halos - mas better parin sympre kung ano ang swak na tags, kasi usually some curators use tags on curating content din.

Salamat sa suggestion. Next time, I will include it.

Congratulations @arlenec2021! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You have been a buzzy bee and published a post every day of the week.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP