PILIPINO COMMUNITY ON ITS FIRST 5 DAYS

in Pilipino4 years ago (edited)

Magandang araw po sa lahat ng mga Pilipino na nasa Hive.

Ito po ang ulat sa unang limang araw ng ating pag-iral sa loob ng mundo ng #hive. Kami po ay nagagalak na sa loob lang ng limang araw ay may mga nagsimula ng maglathala ng kanilang mga isinulat at bidyo.

Ang account po na @pilipino ang namamahala sa kumunidad na ito. Amin pong nalalaman na maliit pa ang Hive Power ng account na ito upang tumaas ang upvote value, ngunit kami po ay positibong dadami pa ang magdedelegate sa account na ito upang tulungan iangat ang mga panulat sa wikang pilipimo.

Kami po ay naniniwala na sa pagkakaroon ng mga lathalang nakasulat sa sariling wika ay pagmamahal sa sariling bansa. Kami po ay taas noong nagtataguyod ng wikang Pilipino upang ang karunungang Pilipino ay maitanyag sa buong mundo.

Hindi po nakikita lamang sa dami ng mga upvote ang kagandahan ng mga akda o lathala, kundi sa bawat karunungang nakapaloob dito at sa puso ng lumikha nito.

Kami po ay naninwala na darating ang araw na maraming makakapansin sa kumunidad na ito at sila ay magbabahagi ng kanilang Hive Power upang suportahan ang bawat akdang Pilipino.


MIYEMBRO NA NAGSUBSCRIBE SA PILIPINO COMMUNITY

Sa unang limang araw po ay may bilang na dalamput isang miyembro ang Pilipino community. Narito po ang listahan.

@jwynqc, @judyannegamis, @rowee22, @jrxplorer, @ar2r, @picsart, @heracleia, @ayeneya, @pinoysports, @unlisteemersph, @iameden, @dashand, @jurich60, @kristianoako, @diosarich, @valiantegg, @godlovermel25, @sarimanok, @unlisteem, @coolarth, @pilipino

Sa mga Pilipino sa buong hive, halina kayo at magsubscribe na sa ating kumunidad. Lahat po ng kasali sa #hiveph ay inaanyayhan ko rin sumali dito dahil iisa lang naman po tayong lahat dito sa hive.


ANG MGA UNANG NALATHALA SA PILIPINO COMMUNITY

Maari ninyo pa pong suportahan ang mga post na ito.


SALAMAT PO SA MGA NAGDELEGATE

Nagpapasalat po kami sa mga nagdeligate kay @pilipino upang maipagpatuloy ang proyektong ito.

DELEGATORDELEGATED
@roomservice5 HP
@giftgiver21 HP
@botante50 HP
@ar2r57 HP
@olivia08100 HP

Kami po ay patuloy na humihingi ng suporta sa may mga extra na Hive Power na magdelegate kay @pilipino upang ating mabigyan ng reward ang mga manunulat na Pilipino.


TRAIL VOTE

Meron po tayong labing isang account na nakatrail kay @pilipino. Upang matulungan natin ang mga pinoy dito sa hive sana po ay magtrail po tayo kay @pilipino. Ang mga website po na pwede ninyong gamitin para makatrail ay ang hive.vote at rewarding.app. Sign-in lang po kayo, gamitin ang hive signer.


FACEBOOK GROUP

Meron na po tayong facebook group na PILIPINO HIVE COMMUNITY. Sa mga nagnanais po na makasama sa grupo na ito ay PM ninyo lang po si @coolarth. Magmessage Dito.


To all the whales in this vast hiveworld, you can help the Pilipino in pursuing their passion for writing by supporting Pilipino community by upvoting post here or by means of HP delegation.


Ang inyong lingkod,
@pilipino

Sort:  

Go go go @pilipino! balang araw dadami din tayo.

Opo nagiimbita pa po ako ng iba pang mga sasali. Maginbita ka rin po ng iba pa ha. Salamat po.