KUMUNIDAD NG MGA PILIPINO: PASIMULA AT PAGPAPAKILALA

in Pilipino5 years ago

PC1.png

Si @pilipino

Ako po ang pangunahing tagapagtaguyod ng Pilipino community dito sa #hive. Ang account pong ito ang naatasang bumoto sa mga likhang panulat na ilalagay sa kumunidad na ito. Bilang tagapagsaayos ng kumunidad na ito, ako rin po ang magmamasid at magpapatupad ng mga palatuntunan ng kumunidad. Susuriin ko ang mga lathalang nakalagay dito upang ang mga may magandang akda ay mabigyan din ng nararapat na pagkilala.

Pilipino Community

Ang kumunidad na ito ay para sa mga lathalang nasusulat sa Pilipino. Pwede dito ang mga artikulo, bidyo, tula, nobela, istorya, awit, pagluluto at iba pa. Maari din ang mga litrato o larawan na may paliwanag sa Tagalog.

Ang kumunidad na ito ay naglalayong makapagpahayag sa pamamagitan ng mga salitang sa Pilipinas ginagamit tulad ng Tagalog. Upang maitanyag sa buong mundo ang wikang likas sa mga Pilipino at pagbibigay puri sa wikang pagkakakilanlan ng lahing Pilipino.

Upang ang mga manunulat na hindi masyadong magaling sa salitang Ingles ay makagawa ng mga akda na makapagpapayabong sa kaalaman ng bawat kaanib sa kumunidad. Kaya't ating hinihikayat na ang bawat Pilipino ay magkaroon ng ambag na akda sa kumunidad na ito.

Ating ipakita sa mundo na mayabong ang kaalaman ng Pilipino sa sining, kultura, istorya, teknolohiya, negosyo, literatura, potograpiya at iba pang mga uri ng kaalaman. At higit sa lahat ito ay pagpapakita ng pagmamahal natin sa sariling wika.

Palatuntunan

Ang mga lathalang nakasulat sa mga salitang Pilipino lamang ang maaring mailagay sa kumunidad na ito. Ang pangunahing salita na pwedeng gamitin ay Tagalog, ngunit pwede din ang mga sumusunod, Bisaya, Bicol, Ilokano, Chabacano, Kapampangan, Waray, Taglish at iba pang salitang ginagamit sa Pilipinas. Maaring gumamit ng Ingles kung nakasalin din sa Tagalog.

Kung sa ibang kumunidad ninyo inilagay ang inyong akdang tagalog, lagyan lamang na tag na #pilipino upang malagyan din namin ng boto ang inyong artikulo.

Deligasyon

Hinihikayat ko po na ang mga miyembro ng kumunidad na ito na magkaroon ng deligasyon kay @pilipino upang ang matanggap po nating halaga ng boto ay mataas. Sana po ay mapagtulong-tulungan ng bawat kasapi ang bagay na ito. Ang kita nito ay sa atin din po mapupunta. Ang account na ito po ay pagmamay-ari ng buong kumunidad, lalong lalo na yung may mga deligasyon.

Mga Pangkat

Tayo po ay bubuo ng mga grupo na magsasagawa ng ibat-ibang programa sa ating kumunidad tulad ng mga patimpalak, promosyon at pagpapakalat ng mga impormasyon na nauukol sa hive at sa ating kumunidad. Pwede pong magbigay ng mga suhestyon sa ating group chat sa messenger.

Marami pa pong mga dapat isaayos sa bagong kumunidad ng Pilipino kaya naghahanap po tayo ng mga maaring makatulong sa pagsasagawa ng mga programa. Ang tagumpay ng kumunidad na ito ay nakasalalay sa bawat isa sa atin. Sana ay maging katuwang ko kayo sa pagpapaunlad ng inisiyatibong ito.

Salamat po sa inyong lahat. @coolarth made the logo.

Ang inyong lingkod,
@pilipino

Sort:  

Welcome pilipino!
Ecency is mobile and desktop application that improves your experience on Hive.

Download Android: https://android.ecency.com, iOS: https://ios.ecency.com, desktop: https://desktop.ecency.com apps that helps you to gain new followers and stay connected with your friends, unique features - notifications, bookmarks, favorites, drafts, and more.
We reward our users with encouragement upvotes as well as Points to promote and boost your content.
Learn more: https://ecency.com
Join our discord: https://discord.me/ecency

Maraming salamat @pilipino sa pag buo ng hukbong Pilipino dito sa #hive sa wakas mailathala na ang mga naisulat na tagalog o bisaya na salitang aking kinalakihan lalo na sa pag gawa ng Tula at mga kakatawang kuwento ng buhay Filipino.

Ang inyong mga akdang pampilipino ay malugod naming babasahin at tatandaan. Simulan nyo na po ang paggawa nito. Kami'y nananabik na makita ang mga ito.

Salamat sa pananabik na yan ahaha magsimula na akong magsulat

Napakaganda po ang pagsulong ng sining Pilipino sa pamamagitan ng ganitong adhikain. Magtagumpay sana tayo. Harinawa.

Oo nga @sarimanok dapat mag ka isa tayo at Magtagumpay!

Basta po sama sama tayo magtatagumpay tayo.

Welcome po sa hive at sa buong Pilipino community.

Kalugodlugod pong ating maitaguyod ang ating sinilangang Bansa ang Pilipinas!! Maraming pilipino na may lubos na talento s paglikha ng sining at sa pagsusulat!! Mabuhay @pilipino!!

Salamat po sa inyong suporta. Pwede na po tayo maginvite ng mga sasali. Suportahan po ng community. Salamat po ulit.

Ang galing! ang lalim ng mga salitang ginamit niyo

Di naman po masyado ate. Salamat po at narito ka na rin. Sulat na po kayo sa tagalog. Masarap basahin kapag sariling wika.

Magandang araw Pilipinos Mabuhay

Mabuhay @dashand! Mabuhay sa lahat ng #pilipino.

Pagpupugay sa Pilipino community. Welcome to hive.