Ang Di Inaasahang Balita

in Pilipino4 years ago

Hello po sa inyong lahat!!!

Magandang araw po sa inyong lahat. Kahapon pagka uwi ko sa bahay ay nag bukas ako ng internet at nag facebook. Laking gulat ko na lamang na ibalita sa akin ang di ko inaasahang balita ng aking kaklase na, ang isa sa mahal naming guro ay wala na. Nakaka gulantang ang ganitong balita para sa tulad naming napamahal na sa gurong ito.

Highschool teacher namin siya sa subject na Math nung nag aaral pa lamang kami. Kakaiba siyang magturo na talagang matututo ka, dahil hindi ka nito tatantanan hanggat hindi ka natututo. Joker din siya kaya naman hindi boring ang klase niya. Napakabait niya sobra. Kaya naman hindi namin inaasahan na bigla-bigla ay wala na siya. Sa totoo lang bumili palang siya dun sa pinag tratrabahuan ko ng facemask. At tinanong niya pa ako kung kumusta, sabi ko naman okay lang po. At nag tanong pa ako kung tuloy naba sa Agosto amg pasukan at ang sagot niya naman ay tuloy na.

Haixt. Bakit kaya kung sino pa iyong mababait ay siya pa ang maagang kinukuha. Pero syempre hindi natin alam kung ano ang nais ipahiwatig ng ating mahal na diyos, sapagkat siya lamang ang nakaka alam ng lahat.

"Magtiwala lamang tayo sa kanya. Dahil lahat ng mga ito ay may dahilan. At siyang makabubuti sa ating lahat."

Hanggang dito na lamang po muna mga kapwa ko pinoy. Salamat sa walang sawang pag gabay at suporta sa baguhang tulad ko. Ingat po kayo palage at God Bless.☺☺☺

truly yours,

@leehon