Travel Goals naming Mag Nobya #:03

in Pilipino4 years ago

Hello po sa inyong lahat☺☺☺

Ang susunod kong kwento tungkol sa travel goals namin ng nobya(@flordecar26) ko ay dito pa rin po sa Probinsiya ng Leyte. Susulitin natin ang paglalakbay dito. Hindi natin ito tatantanan hanggat di ito nauubos.(charoot 😂lol😂)

rbnh8b.jpg

Matatagpuan ang pasyalan na ito sa Bayan ng Palo, Leyte. Malapit lamang ito sa kabisera ng Leyte ang Tacloban. Ito ay ang tinatawag na "Mac Arthur Park". Na kung saan dito bumaba si "Heneral Douglas MacArthur" hindi ko na e kwekwento ang kasaysayan nito dahil sigurado akong alam niyo na ang tungkol dito, dahil ito'y nasa aklat ng Sibika at Kultura noong elementarya pa lamang tayo. Siya rin ang nagbansag sa salitang ito " I SHALL RETURN". Kaya naman naging kilala ang Leyte dahil isa ito sa mga naging dahilan kung bakit nakilala ang probinsiya.

Hanggang dito na lamang po. At magkita-kita po tayong muli sa susunod kong kwento. At uulit-ulitin ko pong mag pasalamat kay @pilipino at sa inyo pong lahat sa walang humpay na pagsuporta sa akin kahit na ako ay bago pa lamang. Ingat po kayong lahat at God Bless.

ang iyong lingkod,

@jearo101