Basahin Mo Eto Pag Gusto Mo Magapply Sa Call Center.

in #filipino8 years ago

image credit to; imgur

 "High-paying daw mag trabraho sa call center", totoo ba yan? Ang hirap talaga mag hanap nang callcenter job na maganda ung sahod.Nag trabaho ako sa call center, alam ko 70% nang mga callcenters dito sa pilipinas nagbabayad nang average of 350-370$ after taxes and fees, 15-18k pesos sa isang buwan, bawas na ung tax at contribution (katulad nang  sss philhealth at pagibig), so precut off usually every 15 days, meron ka nang mga 7,500-9,000 pesos. Pag single ka pa, malaki ang kaltas sa sahod mo para lang sa tax, nakaka gigil isipin minsan.

  Dapat fluent ka magenlish pag magapply ka. Kahit di gaano ka fluent magenglish . Gusto din kase nang mga callcenter maghire nang mga fresh gradute, mga call center virgin, or ung mga nag hahanap nang first job.

  Sa ngayon marami kailangan nakalagay sa resume mo para mahire ka sa isang callcenter, una titignan sa resume mo ay kung meron ka nang experience o wala. Pag may experience ka masmadali makapasok sa call center, pero pag wala kang experience medyo mahirapan ka tapos offer nila sayo ay mga 13,000 pesos  mga 250 dollars sa isang buwan. Pag meron ka naman experience, dapat atleast 3-4years nakalagy sa resume nyo para medyo maganda offer sayo kumware offer nila is 22k pesos magiging 15k nalang. 15k lang pupunta sayo, kase may tax at mga contribution buwan buwan so ganun din.   

 Pangalawa, ayaw ung mga recruiter maghire nang callcenter hopper,  pasaway mga eto, ung mga agent na nagwowork sila for 1-2months lang or 6months tapos resign na sila (Tambay ulit). Iisipin nang interviewer mo na ganun din ang gagawin mo sa kumpanya nila. Tanunging ka din kung bakit ka umalis sa dati mong tabaho, dapat maganda reason mo kung bakit ka umalis sa dating mo work. So dapat atleast 1-2 years duration nakalagay sa resume mo na tenureship  sa  dati mong trabaho, para hindi ka muhkang hopper, baka iisipin nang interviewer "ay  hopper to", edi sayang effort resume, at pamashe mo. 

  Pangatlo, kelangan pasado ka sa interview, at minsan may  exam, dapat papasa ka din. Sa interview, dapat meron kang confidence, malakas na loob, at intelligent ang mga sagot mo sa tanong nila. Gusto nang recruiter mag hire nang mga matalino na tao na mabilis matuto, hindi laging absent or laging late, walang kaeffort effort. Dapat pwede ka pumasok kahit weekends, holiday, christmas or new year pag may pasok ka. Dapat intelligent ang sagot mo sakanila para mabigyan mo sila nang assurance na "Da best" ka at a aalis sa kumpanya pag nahire ka na. Alam ko ung mga tanong nila sa interview pag gusto nyo malaman mag tanong kayo comment.  

Pag gusto mo magtrabaho sa callcenter dapat isipin mo ung stress involved, di lahat nang call center nagbabayad nang malaki sahod, at mag research ka muna about yung company bago ka pumunta at magapply .


Pag meron kang tanung magjoin na kayo sa steemit at magiwan nalang kayo nang comment!!!

Cheers!!!