#35 Filipino Poetry: "Inuman"

photo-1498429152472-9a433d9ddf3b.jpg

"Inuman"

Beer o vodka, rum o kahit anong alak pa yan, ang mga mata koy magdidiwang
Kasama man ang kahit na sino o kahit malapit
sa aking puso,
Isa, dalawa, o kaya'y ay tatlo, halika mag-inuman tayo

Unang sabak, malumanay at walang kaingay ingay
Napag-isip, nagkuwentuhan at nagkatitigan
Di naglaon, tinamaan na ng tapang,
nag umpisa na ang tunay na inuman
Sa mga kamay ko'y may baso,
mga kainuman ko'y puro ng kuwento
Patingi tinging pag-inom, para makaiwas sa mga nagmamarunong.

May musika pang pampagaan sa aking nanginginig na kamay
Mga lyrikong di ko wari na aking makakabisado
Tumayo ng ang iba, at sinabayan ko na rin ang ginagawa nila
Sumasayaw na parang si John Travolta,
isang hakbang sa unahan, dalawang hakbang pabalik.

Maging kaibigan man o kaaway, pareho silang lahat
Nagatatawanan, naghihiyawan
sabay sigaw sa aking pangalan
Naririnig ko sila saglit, ngunit di ko malaman kung sino
Napayakap ako sa di ko kailala, ayun nakakita ng suntukan sa kapwa

Lakad koy sa kaliwa ngunit papunta ako sa kanan
Paakap akap nalang sa sobrang lasing
Nakalabas rin, ngunit sa bintana naman nanggaling

Sasakyan ko'y nakalimutan ko na,
bughaw, puti o kaya lila
Susi ko aking dinukot, di mahawakan ng maigi at abridor ang napulot
Napaupo ako sa kotse, buhay at nakangiti
Sumpa ko, di na ito mangyayari.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif