#167 Filipino Poetry: "Ala-ala"

in #filipino-poetry7 years ago (edited)

photo-1439902315629-cd882022cea0.jpeg

"Ala-ala"


Mahiling ko lang na sana'y gaya ng dati
Naipapahiwatig ang mga gustong isabi
Ibibigay ko ang dapat ay para sa iyo
Ala-ala na lamang ang lahat ng nasa isip ko

Nakakamiss ang bawat sandali na tayo'y magkasama
Magkahawak kamay habang naglalakad sa kalsada
Sabay na kumakanta habang tinutugtog ang gitara
Hinaharana ka ng pusong humahanga

Ngayon na ika'y malayo na
Inaalala na lamang ang oras ng pagsasama
Dalawang pusong pinag-isa ng tadhana
Ngunit panandalian lamang at sa huli ay nagpaalam sa isa't isa

Bago mag-paalam, may mga salitang iniwan
Hindi mapigiling lumuha ng mga matang ikaw lang ang laging nakikita
Sa salitang narinig, sabay yakap sa aking mga bisig
Mahal Kita!; ngunit dito nalang, aking sinta


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

galing talaga ng mga pinoy..


Kahanga-hanga ang iyong sinulat kaibigan!

May typo po doon sa title sa body ng post. ;)

Fixed. Thanks po! :)