#115 Filipino Poetry: "Habang Umuulan"

"Habang Umuulan"

Ako'y nakatingala sa kalangitan

Na wari'y may hinihintay o inaabangan

Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan

At nabasa na parang batang naglalaro sa daan

Bigla ko tuloy natanong sa aking sarili

Kung ano ba talaga ang aking minimithi

At kung ano ang aking pakinabang

Sa mundong aking kinabibilangan

Nang biglang may tumapik sa aking tabi

Na wari'y sa aki'y mayroong malaking pighati

Dahil sa lakas na para bang iniisip ay naiwaksi

Ako'y napatingin na may pilit na ngiti sa mga labi

Laking gulat ko sa aking nabatid

Ang akala ko kung sino, akin lang palang kapatid

Kaya siya'y biglang nagtanong sa akin

Kung ano ang aking mga gawain

Sinagot ko siya na ako lamang ay nagmuni-muni

Sa gitna ng ulan habang ibon ay humuhuni

Pero ako'y nabigla sa kanyang reaksyon

Sa tawa niya'y tila ba may tension

Kaya ako'y nagtanong sa kanya

Kung bakit napakalaki ng kanyang tawa

Kaya pala ang layo ng pagitan ng aming kinatatayuan

Mero pa lang tao sa taas ng aking kinatatayuan

Ang akala kong isang ulan,

Ay galing lang pala sa taong ginawa niyang arinola ang aking kinalalagyan.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

Sort:  

Thanks for upvote , comments and resteem me @zillurkhan72

very nice talented pinoy poetry @themanualbot

i am really so amazed by those people who can write a poem like this... You are really a writer sir,