Unang Araw sa Trabaho. [Balagtasan namin ni @ahna8911 ]

sheshepaa.jpg


"Unang Araw ng Trabaho"


Paglipas ng tatlong taon.
Ako'y muling nabigyan ng pagkakataon,
upang maipakita ang aking kakayanan
at tinatagong kaalaman.


Tatlong taong ilaw ng tahanan
Anak at asawa ang syang tinutukan
Ngayon lang napagdesisyunan
Trabaho'y aking kailangan .


Kapag ang amo'y berdugo,
sa umpisa ika'y maninibago.
Walang alam na kahit ano,
pero sa dulo ika'y matututo.


Paa'y magdamag nakatayo,
hindi inalintana ang siphayo.
Sa paulit ulit na pag ikot ng bakal na galamay,
sa pagod, namanhid ang kamay.


Nangangapa sa mga ugali
huwag sila hayaang mawili.
Huwag basta susuko
Simula pa lang ito ng pangako.


Walang trabahong madali
sa umpisa'y pwede kang magkamali
Gawin lang ang tama palagi,
at sa dulo, ika'y magwawagi!


Ito'y tugon sa balagtasan namin ni @ahna8911. Unang araw sa trabaho ay hindi madali, nararapat lang na tayo'y sumunod sa mga nakakataas sa atin.

Sort:  

Galing sir.
Anong pinag kaibahan ng balagtasan sa tula?
thanks in advance.

@resteemator is a new bot casting votes for its followers. Follow @resteemator and vote this comment to increase your chance to be voted in the future!

Wala yatang (-) sa @tagalogtrail :D

Tama ka, magtrabaho ng tama at matutong mahalin kun ano man ang nakalaan na gagawin.

Yes po tama po iyan @leeart, @tagalogtrail lang po ako :) Salamat po sa tulong!
Medyo tambak kasi ang philippines na tag kaya suggested ko po ay kung tagalog ang likha po mas mainam na #pilipinas po ang magamit.

Wala pong anuman Toto :D

thank you po sa info. next post ko po itatama ko na hehe ! 😊💋