"IKAW LANG ANG AKING SINTA" : MGA KATAGA

in #filipino-poetry7 years ago

image
Photo Credit

Nagsusulat, gumuguhit ako habang hawak hawak ang plumang gamit.
Plumang kapag hawak na hawak ay sadyang ikaw lamang ang naiisip.
Sandali na lamang bubuksan ang mga ito,
At saka ko ididikta sa papel ang salitang “Ikaw lang ang aking Sinta”

Wala akong pakialam kung mayroon mang makakita o wala,
Dahil kahit gaano pa karami ang balahibo nang pluma,
Ganun ding katabing beses kaya kong sabihin sa iyo na “Mahal na mahal kita"

Ikaw ay halintulad sa isang pluma pluma,
Kung saan ang bawat balahibo nito ay naglalagas rin pa minsan minsan.
Tulad nang unti unting pagbawas ng pagtingin mo para sa akin,
Ang sakit at kayang kaya mo akong iwanan rin.

Itong tulang ito ay inaalay ko sa iyo sinta ko,
Kung saan inihahalintulad ko sa iyo ang paborito kong pluma.
Na ibig sabihin ikaw lang rin ang nais kong makapiling,
Ikaw ang natatanging paborito nitong puso kong nagmamahal.

Please follow and support our very own @surpassinggoogle and @teardrops. VOTE @steemgigs as your witness!