PAG-ALALA (PARA SA IKALAWA KONG AMA)

in #filipino-poetry7 years ago


lolo.jpg

source

May kung anong naglalaro sa kanyang isipan
Nais kong itanong at gusto kong malaman
Kung anong nasa isip at kay liwanag ng mukha
Ngunit di ko tinuloy at nang di na magambala

Napakalayo ng tanaw di ko maabot ng tingin
Kay ingay ng paligid ngunit ang iniisip ay kay lalim
Walang ni kahit isang salitang binibitawan
Maaaninag mo naman ang ligayang nararamdaman

Ngunit ang lahat ng iyon ay biglang nalaho
Nang akoý mag paalam na sa aking lolo
Ako muna’y lilisan upang makikipagsapalaran
Ako’y magtatrabaho upang gamot mo’y matustusan

Katahimikan lamang ang kanyang naging tugon
Maya-maya pa'y nagsalita at ako ay tinanong
Wag ka nang umalis, pwede bang ika’y manatili?
Baka sa paglisan mo’y di na tayo magkikita pang muli

Hindi nakakatuwa ang mga birong ganyan
Tugon ko sa kanya, habang siya ay minamasdan
Ikaw ay malusog at malakas pa ang katawan
Para ipagamot ka ang dahilan kung ba’t ako lilisan

Mula noon ang paguusap natin ay bihira na lang
Para bang ika’y lumalayo at ako’y iniiwasan
Gusto kong pagbigyan ka at manatili na lamang
Wala akong mapapala kung walang tiyak na aasahan

Kaya naman ako'y umalis dala-dala ang pag-asa
Na sa patutunguhan ko ay doon makakakita
Ng magiging sagot sa lahat kong kailangan
Trabaho, pera para sa gamot mo at sa pagamutan

Ngunit isang gabi, isang tawag ang aking natanggap
Na ikaw ay biglang nawalan ng malay at saka bumagsak
Nang dalhin na sa pagamutan, doon na humimlay
Malamig mong katawan at binawian na nang buhay

Gusto kong sumigaw ng malakas na malakas
Nang maibsan ang sakit o baka sakaling lilipas
Ang sakit at lungkot pati ang pangungulila
Pagkat akoý sabik na sabik na muli nating pagkikita

Ngunit ang lahat nang iyon ay huli na
Ang pagbabalik ko ay wala nang halaga
Oo nga’t makikita ka, pero may salamin nang nakapagitan
Kinabukasan nama’y ihahatid ka sa huli mong hantungan

Kung nasaan man kayo ngayon sana po ay masaya kayo at magkasama,
Maraming salamat sa lahat hanggang sa muling pagkikita
Mahal na mahal po namin kayo Lolo at Lola

LOGODAVAO.png

SALAMAT SA INYONG PAGTANGKILIK

PAKITANDAAN PO:


To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses or simply click Here to do it on one click! If you want me to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy

Sort:  


thanks for posting steemitdavao tags,

Upvoted and resteem your post

From your steemitdavao family

steemitdavao bot.png

Katahimikan lamang ang kanyang naging tugon
Maya-maya pa'y nagsalita at ako ay tinanong
Wag ka nang umalis, pwede bang ika’y manatili?
Baka sa paglisan mo’y di na tayo magkikita pang muli

So far sa lahat ng iyong mga tula ito ang pinaka maganda! Pagbutihan mo pa kapatid.

hehehe,,,salamat po kapatid sanay di ka magsawang tumangkilik sa aking mga gawa :) pati na rin sa papuri nakakaing ganyo pang gumawa ulit ng marami pang tula hehehe

Heheh walang anuman. Dumadami na ang nagsusulat ng tula at kwento dito sa steemit kaya patuloy lang tayo. Magkakaroon din tayo ng mas marami pang audience sa ating mga likha.

oo nga ehh,,, mas madali kasing gamitin ang sariling wika tsaka di ako magaling sa paggamit ng sa mga banyaga kaya malaki pasasalamt ko at meron ding sumusubaybay sa mga gawang pinoy :)