Ang Malawak na kabukiran: Isang Tula

img_1971.jpg

Photo Credit

Ang malawak na mga kabukiran,
Ay magandang daanan.
Tulad ng ilong ng aking kaibigan,
Minsan ang gulong ng mga sasakyan,
Tsk minamalas ka nga naman.

Nahirapan man sa pag-akyat,
Pero dumating kayong lahat.
Sa inyong pagbaba lahat ay nagulat,
Ba't lupa at gulong ng inyong sasakyan naging flat?
Nasabi sa sarili, "Baka ito na ang simula ng aking pagpayat!"

Tumigil kami sa isang tindahan,
At doon nakabili ng pantawid gutom sa tiyan.
Ang mga tao ay may magandang kalooban,
Nagbunga ang aking mga pagtulong, nakagawa ng paraan
Kaya heto kami ngayon, lalarga na naman!

Ngunit bumuhos ang ulan ng napakalakas,
Ngunit dumiretso pa rin, hanggang sa bumigay ang lakas
Tumigil naman at napa isip, kami ba'y hinahabol ng malas?
May dapat bang gawin upang ito'y mabawas?
Nawalan man ng pag-asa, nagmasid muna at doon nakakita ulit ng alas!

Mabuti na lang, bukas pa sila gagamit ng mga sasakyan, Tindahan nila ay naayos at ang ulan ay tila himihina.
Salamat sa Diyos, ito'y isang himala,
Sa kabila ng lahat kami pa rin ay pinagpala.