Parang musika sa tenga
ang mga pangako't mga salita.
Mga pangakong, magbibigay ngiti
sa puso at guguhit sa iyong mga labi.
Mga salitang sumisilip sa kinabukasan,
na puno ng kulay at kasiyahan.
Pangako, o kay sarap pakinggan!
ngunit nakakalungkot na ang mga salita ay hanggang pangako na lamang.
Walang kasiguruhan, kung mapapanindigan ang mga salitang binitawan.
Na tiyak magpapaiyak
sa pusong pangako ang nagbigay galak.
Ayoko kong mangako!
Dahil ayokong maging pako
ang aking mga pangako
na bubutas sa iyong puso.
Ayokong maging martilyo
ang pag-asang nararamdaman mo
nung ang mga salita ng pangako
ay binitawan ko.
Ayoko kong masaktan ka,
hindi dahil nagbigay ako ng pangako sinta
kundi dahil ayokong umiyak ka
dahil hindi ko mapanindigan ang aking mga salita.
Ayoko nang mangako, alam mo ba?
Dahil minsan din akong umasa
sa mga pangako't salita.
Mga pangakong naging pako,
na sumugat sa aking puso.
Kaya ayoko nang mangako.
Dahil ayokong masaktan ka,
kagaya ng sakit na aking nadama
nung minsa'y umasa
ako sa iyong mga salita.
Isang orihinal na tula ni @llivrazav para sa mga taong minsa'y pinangakoan ngunit hindi pinanindigan. Sana ay inyong nagustuhan.
Ngano bitaw #untalented? Very odd. Char comment2 hahahaha
daghan audience sa dra nga tag das why hahaha.
Ah okay. I thought you're in amard amard phase.
Wooow!!! LODI!! :) Abtika nimu magbuhat ug tula uyy. :) Feel na feel ang hugoot! :)
hahaha akong mga tula ang manifestation sa akong pagka sawi te hahaha maong halos hugot siguro akong mga tula hahahah
HAHAHA! :D Murag ana jud ba.. :D :D