KAMUSMUSAN - ALA-ALA NG KAHAPON (FILIPINO-POETRY)

Aking nagugunita sa aking isipan
Yaong mga araw ng aking kabataan
Tuwing umaga ay patungo sa eskwelahan
Kahit ayaw ngunit kailangan
Upang ako’y huwag kagalitan.



Hindi muna uuwi upang maglaro
Kasama ang kaibigan para magpatintero
Ngunit sa kalayuan ay natatanaw ko
Ang aking ina na may hawak na pamalo
Upang sunduin ako sa may kanto.


Tandang tanda ko pa noon ang una kong pag-ibig
Sa bawat hakbang nya ang puso ko’y pumipintig
Ngunit bawal dahil ang tatay ay magngangalit
Ako raw ay bata pa kaya sya ay di papanig
Wala na akong nagawa kundi magmukmok sa sahig.


Kay bilis lumipas ng bawat panahon
Na tila lahat ay naganap lang kahapon
Ang sarap balikan ng buhay noon
Ngunit ang musmos na di maawat sa tsupon
Yosi at alak na ang hawak ngayon.


LARAWAN:
PIXABAY

Sort:  

Ang galing mong magpinta ng mga eksena gamit ang mga salita @filipino-poetry. Lalo na to hahah.

Ang aking ina na may hawak na pamalo
Upang sunduin ako sa may kanto.

Ang lakas maka throwback nito.

Salamat sa iyong likha! Nga pala kung ikaw ay mayroong pagkakataon. Maari kang sumali sa munti kong patimpalak na "Biglaang Kolaborasyon".

Tanggapin mo ang munting upvote sa aming tropa :)

proudpinoy.png
Salamat sa iyong pag imbita kaibigan.
Tinantangap ko ang iyong pag imbita sa akin salamat :)

Ang galing gawa kabayan @filipino-poetry.


Salamat sa iyong pag puri sa aking obra kaibigan.

Congratulations @filipino-poetry! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You made your First Comment
Award for the number of upvotes
Award for the number of upvotes received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

you never fail to amaze me. done upvoting you.