Tag-Init. Sagot sa tula na ginawa ni @sheshebaylosis

in #filipino-poetry7 years ago (edited)


"Tag-Init"


Sa tuwing sasapit ang tag-init
Antimano ramdam agad ang init
Ihanda mo na ang salbabida
'Pagkat ngayon ikaw ang bida.


Sa pag-langoy ko sa ilog
Isda ang aking handog
Lagaslas ng tubig
Nanlalamig na pag-ibig.


Bakuran na walang harang
Mga dayami sa parang
Kalabaw sa damohan
Laging kasama sa bayanihan.


Matinding sikat ng araw
Sunog na balat sanhi nang araw
Sabay higop ng sabaw
Medyo napawi ang uhaw.


Mga huni ng Maya
Sa tanghali'y nag-papasaya
Bituing nag-niningning
Adhikain ay magandang sining.


Singaw ng bintilador
Ramdam ng mga kubrador
Tindera sa kanto
Naka basag ng platito.


Sa pagdatal ng mga bagong ideya
Ako'y nakabuo ng isang teorya
Huwag kang mambabae sa tag-init
dahil maraming sakit ang kumakapit.


Halina't tayo'y mag-bakasyon
Ayos lang kahit wala kang kotribusyun
Palanguyan na naggagandahan ating balikan
Pangako sa'yo, makikita ko lang yan sa Bulacan.


Ito ay tugon sa tula na ginawa ng aking kaibigan na si @sheshebaylosis. Balagtasan na namin na tagos hanggang damdamin. Itong tula na ito ay ibinase sa klima o panahon sa Pilipinas. Ramdam niyo na ba ang init sa tag-init?


GIF-180316_162802.gif

ahnaping.png

Sort:  

ang ganda naman ng pagkakagawa, mga linya sa bawat taludtud ay tugmang tugma at ang haba walong taludtud

..ahahaha naman, tapos na ako ikaw naman dali