Balagtasan #3 Halalan

in #filipino-poetry7 years ago

choice-3296667_960_720.png

Pixabay


"Halalan"


Halalan sa aming baryo
Mga pangakong serbisyo
Sigaw ng aming sikmura
Ulam at bigas na mura


Daan na pinapatag
Batas na itatatag
Dag-dag na pasahod
Heto kami ngayon nakatanghod


Proyektong pang-agrikultura
Ang pamimiigay ng traktora
Tanim na sagana sa abano
Ito ay nag-mula sa gobyerno


Mga tinamaan ng kalamidad
Tahanan na walang seguridad
Pag-alboroto ng bulkang Mayon
Baranggay ay mag-bibigay ng ayuda ngayon.


Tuwing sasapit ang halalan
Dagsa ang barilan
Buhay na inyong kinitil
Mahigit isang butil


Serbisyong medikal ni doktora
Mga gamot galing kay Pandora
Hindi biro ang magkasakit
Sa panahon ngayon dapat mag-malasakit.


Ang talumpati ni kapitan
Ramdam ko ang aking karapatan
Buwan at araw ang naging saksi
Korapsyon ay kanilang winaksi.


Kaya ngayon sa darating na halalan marahan lamang po na iboto naten ang mga taong nararapat sa kani kanilang posisyon sa gobyerno. Ito ay tugon sa balagtasan namin ni @sheshebaylosis


GIF-180316_162802.gif

ahnaping.png

Sort:  

naku halalan nnman dadami nnman mga plastic hahahaha

..ahahaha araw araw nman padami ng padami mga plastic...ahahahaha

Puro pangako napapako. Salamat pa rin at kahit papano may nagagawa pa rin un iba. Tapat sila sa kanilang intensyon kaso kinakain sila ng sistema.

..ahahaha di naman lahat ng politiko ay sugapa sa kapangyarihan o sakim sa pera, mayroon din iilan na tapat sa serbisyo

Lol! Tama ka. Tiwala na lang talaga na ung mga tapat sa serbisyo e hindi lalamunin ng sistema.

@resteemator is a new bot casting votes for its followers. Follow @resteemator and vote this comment to increase your chance to be voted in the future!