10 Reasons Why Am I an Atheist

in #faith8 years ago

Just for a completion of a request.

Alam kong dinugo kayo sa title. Wag kayong mag-alala, tagalog 'to.

10.) Bible is manmade. Marami kasing mali at contrasts sa bible eh. May nskasulat dun na "I have seen the face of God." pero may nakasulat din na "No one will see, is seeing and seen the face of God."

9.) A Tool. Ginamit lang ito ng mga Romans noon sa kanilang imperyo para mas madaling mahawakan ang mga ito.

8.) Science vs Bible. Maraming verses at maraming nakasaad sa Bible ang hindi sumasangayon sa Law of Science.

7.) The Flooding. Okay, kung iisipin, kapag umulan ng ganun karami noon, dapat uulan din ng ganun karami ngayon (water cycle). Pero parang wala namang ganun. 😕

6.) Sins of Humanity. Ang Diyos na Makapangyarihan ang nagdidikta sa kapalaran natin. Siya ang gumawa ng mangyayari, nangyayari at nangyari na sa atin. So kapag nagkaroon ng kasalanan, Siya ang may gawa dahil Siya ang dahilan ng destiny mo. How sad and unfair.

5.) Crucifixion of Jesus. Ipinadala Niya ang Kanyang anak dito upang pahirapan, at bitayin ng kamatayan sa harap ng maraming tao, para mapatawad niya tayo. Pero Siya ang pinakamakapangyarihan, pinakamatalino at pinakamabuting loob. Pero bakit Niys pa ginawa yun, eh kaya Niya naman tayong patawarin kahit na iangat lang Niya ang Kanyang daliri? Pinakamatalino. Hmm.

4.) Satan. Sabi nga, si Satan ang dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng kasalanan. Pero siguro naman, less effort ang pagpatay kay Satan kaysa sa pagpapadala ng marami sa impiyerno, at hindi naman si Satan ang may kasalanan kundi siya (number 6)

3.) Hospitals and Churches. May chapels sa hospitals, na kung saan nananalangin ang mga tao para may mailigtas na buhay. Sabi sa Bible, humiling lang at yutuparin ito ng Diyos. Pero deads parin. At kung bahay ng Diyos ang simbahan, bakit kailangang tao pa at pera pa ang ipangkumpuni rito kung kaya Niya naman itong ayusin kahit umayos lang Siya sa pagsandal sa Kanyang trono?

2.) Souls. Okay. No two matter exists in the same spacetime. Yun lang, at babush na ang mga kaluluwa at espiritu.

1.) Thousands of Gods. Brahmin, Buddha, Allah, God, Ahura Mazda, Zeus ... ilan lang yan sa libulibong Diyos ng humanity. Ang tanong, sino ba talaga sa Kanila ang tunay? Kung merong 10,000 na Gods, kokontrahin nito ang isang God (negativity) dahil sa sasabihing Sila ang tunay. 1 (ang Diyos) - (kaya minus kasi kinokontra nila at sinasabing Sila ang tunay) 10,000 (yung ibang Gods na sinasabing sila ang tunay) = -9999. Imagine? ,as malaking negative pa than itself?

FB_IMG_1473950992630531d4.jpg

Sort:  

It can be right or wrong, anyway you look like critical. It was interesting~

Thank you :)