"Oh, bago magreact magbasa muna.
Kasi ganito yan. Yung pinsan ko nag-aya ng double date sa crush nya para malaman nya kung sino yung bf nung crush nya. Tapos etong pinsan kong medyo may pagkatanga kasi wala naman syang gf eeeee nag-aya pa! ¯_(ツ)_/¯
So ayun na nga inaya nya kong magpanggap na gf nya. Syempre ako naman c supportive na pinsan eeeee pumayag naman ang loka.
Day of double date sa may Northwalk
habang nagdadrive pinsan ko medyo kinakabahan sya kaya sabi ko ""hoy umayos ka nga! baka mabangga tayo! may pa double date ka pa kasing nalalaman ""
(;一_一)
sabi nya ""mas maganda ka pa kasi sa crush ko baka mainsecure sya""
sagot ko ""oh ano na? alis na ba ko? ayaw mo nun may maipagmamalaki ka sabay tawa ng malakas tsaka magkamukha tayo baka mahalata tayong magkamag-anak""
sagot nya ""edi wag mo ipapakita mukha mo! takpan mo ng panyo!""
dumating na kami sa Northwalk
nandun narin crush nya tsaka bf nun. At sa dinami dami ng pwede kong makita eeee yung bf ng crush nya childhood crush ko! at kilala nya ako magbestfriend kami nung mga bata pa kami (ಥ_ಥ)
saklap! d ba?
so ayun pumasok na kaming apat sa isang coffee shop (d ko maalala yung pangalan ng coffee shop)
kaharapan ko sa upuan yung crush ko at kaharapan naman ng pinsan ko crush nya
(syempre nakatakip mukha ko kaya d nya pa ako narerecognize ng crush ko)
umorder na kami, pinagpili nalang ako ng pinsan ko.
biglang nagsalita crush nya
crush ng pinsan ko: bakit nakatakip mukha ng gf mo? ngumiti
pinsan ko: ahh mahiyain lang yan
ako: (sa isip ko lang ang sabihin mo baka mabuko tayo na magkamag-anak tayo kaya tinatakpan ko mukha ko)
pinaliit ko ang boses ko uhmm pwede munang lumabas habang hinihintay order natin?
crush ko na bf ng crush ng pinsan ko: uhmm ako din lalabas muna
lumabas kami pareho
naglalaro lang ako ng Dumb Ways To Die ಥ_ಥ kasi naman ansakit sakit dapat d nalang ako sumama!
biglang lumapit yung crush ko na bf ng crush ng pinsan ko ""hoy! musta? kala mo d kita makikilala ha? bakit mo pa kasi tinatakpan mukha mo? maganda ka naman kaya bestfriend tsaka may bf ka na pala""
tinanggal ko balabal ko sa mukha
tapos sinagot ko sya ng wala ako sa katinuan kasi naman sobrang lapit nya sa akin (´つヮ⊂)
""ahhh hinde! hinde! nagkakamali ka hindi ko sya bf! pinsan ko sya! nagpapanggap lang kami kasi crush nya gf mo!"" hay naku lagot ako neto sa pinsan ko
sabi nya ""ahh ganun ba? nagseselos kasi ako may bf ka na sayang crush pa man din kita"" nagsmile sya dagdag pa nya ""pero wag kang mag-alala pinsan ko lang din gf ko nagpapanggap lang kami kasi crush nya pinsan mo""
(nashock ako kasi parang may mali sa mga nangyayari, alam kasi ng pinsan ko na crush ko sya yung childhood friend)
ayun nag-aya na kong pumasok sa loob ng coffee shop tapos gulat kami magkatabi sila sa upuan tapos nakaabay yung pinsan ko sa crush nya (ʘ‿ʘ)
sabi ko ""may dapat ba kaming malaman?""
pinsan ko: sorry d ko sinabi na set-up lang 'to para magkita ulit kayo
crush ng pinsan ko: actually gf ako ng pinsan mo kinandatan kami
kami ni bestfriend: WHAT??????
bestfriend (to pinsan nya): bat d mo ko ininform!!
ako: AYOKO NA! I QUIT! PINAGLOLOKO NYO LANG AKO! nagwalk-out ako
d ko alam na hinabol ako ni bestfriend palabas tapos bigla nya akong niyakap patalikod
""please be my girlfriend"" (yan yung sabi nya sakin)
syempre ako umiiyak kasi niloko nila ako. humarap ako sa kanya sinagot ko sa kanya habang umiiyak ako sabi ko ""alam bang crush din kita bata palang tayo"" pinunasan nya luha ko
HI BABE! KUNG NABABASA MO 'TO SANA MAALALA MO MULI NATING PAGKIKITA NOON. HAPPY 1st ANNIVERSARY nga pala 😘
Salamat pala sa pinsan ko at gf nya maski ganun trip nyo napasaya nyo ko.
Hindi ako tagaDHVTSU pero yung bf ko tagaDHVTSU.
PS. para sa mga nakakita sa amin nung nagdouble date kami ""oh ano? gulat kayo d b? magkakamukha kami HAHAHAHAHAHA""
May kasabihan nga na kapag magkamukha kayo ng kapartner mo panglifetime na partner mo na yan."
Mary Margarette
CE Secret Secret
©DHVTSU Secret Files fb