HELLO EVERYONE!
Una sa lahat, gusto kong humingi ng pasyensya sa napakagandang quality ng mga pictures lol hahaha. pagpasyensyahan nyo na mga kaibigan. Maganda kasi Phone ko lol! Anyway, Magstart na tayo! Magluto ka muna, mamaya ka na maghintay ng reply nya sa huling message mo sa kanya. Kain kana rin, para may lakas ka tumunganga sa wall nya at magstalk ng mga post nya.
Una, hiwain mo at durugin ang Bawang, Sibuyas at Luya. Katulad ng pagdurog at hiwa nya sa puso mo bes! </3
Pangalawa, maghanda ka ng Paminta, Asin at Knorr Cubes. Dapat tama lang ang dami ng asin mo bes, kasi pang yan napasobra, aalat yan. parang relasyon nyo dating matamis, bigla nalang naging maalat :(
Pangatlo, Hiwain ang sayote. Tandaan, Piliing magmahal ng sayote. Yung siguradong Sa'yo te!
Pang Apat, Linisin at hugasan ang Manok. Yung sobrang linis! Kasing linis Mambabae ng jowa mo bes! yung walang iwan na ebidensya! Di mo mahuli huli girl!
Panglima, Himayin mo yung dahon ng Malunggay. Masustansyang Malunggay para sa feelings nyang matamlay! </3
Ngayon, Mag uumpisa na tayong magluto. Mag painit ka ng mantika sa kaldero. Yung kasing init ng pagmamahalan nyo dati bago ka nya iwan </3.
Kapag mainit na ang mantika, ilagay mo na yung durog mong puso este yung durog na bawang pla lol. isabay mo na din yung sibuyas at luya. Katulad ng pagsabay nya sa inyong dalawa. :(
At kapag sa tingin mo luto na yung tatlo, ilagay mo na yung Manok. Halo haluin mo, Paikot ikutin mo bes, kagaya ng pagpapaikot nya sayo! </3
Kapag sa tingin mo naglabas na ng mantika yung manok, tumigil kana sa pagpapaikot sakanya! umiiyak na nga, nasaktan na't lahat hndi ka padin tumitigil? Anong klaseng puso meron ka? may damdamin ka ba?
Lagyan mo ng tubig. Wag masyadong madaming tubig ha, Baka malunod. Kagaya ng ginawa mo sa jowa mo bes, nasobrahan ka sa pagmamahal kaya nalunod sya, ayon! iniwan ka tuloy. </3
Tapos takpan mo na muna. Hayaan mo lang muna sya kumulo. Minsan kasi hndi naman okay yung lagi kang nakabantay. bigyan mo ng laya para hindi laging kumakawala!
Kapag kumukulo na ilagay mo yung Sayote, dahan dahan sa pag lagay para hndi ka masaktan. Padalos dalos ka kasi sa mga kilos mo kaya ka nasasaktan </3 wag ganon bes ha.
Tapos takpan mo ulit, hayaan mo lang sya ulit kumulo. Hintayin mo lang yung oras na sa tingin mo malapit na maluto yung sayote. Pakiramdaman mo, wag kang manhid! Maghintay ka, dahil kapag may tyaga may tinola :) lol!
At kapag sa tingin mo okay na yung sayote, ilagay mo na yung Knorr cubes, Asin at Paminta. Timplahin mo ng maayos, Dapat tama lang yung lasa, Lagi mong tatandaan na lahat ng kulang hndi maganda at lahat ng sobra nakaksakal!
P.S Nakalimutan ko picturan yung paglagay ko ng asin. Minsan may mga bagay tlga na kahit alam nating dapat nating gawin, Hndi padin natin maiwasang makalimutan. Parang pag momove on mo sa kanya, alam mong kailangan mo na syang iwasan pero kapag nagchat na sya nakakalimutan mo na mag move on. papakatanga ulit ganern ganern lang :'(
Tapos tikman mo na, Pag di mo masyado malasahan dahil mainit, tikman mo ulit. Pero tandaan, ulam lang ang tinitikman ng paulit ulit hndi babae! wag kang babaero tse!
Tapos ito na sya! Ang ating Tinolang Manok :) . Tinolang Manok para sa puso nyang tumigil na sa pagtibok :(.
Hayaan mo na bes, move on ka na ha. Ikain mo nalang yan para masaya :)
So, tapos na! hahaha salamat sa pagbabasa, sana nag enjoy ka at natuto kana sa pagkakamali mo. wag paulit ulit bes, hindi uso magpakatanga lol hahaha :)
Good vibes lang po :)
Thank you for reading my post. Till next time! lablab <3
PHILIPPINES: 8th of March, 2018. Thursday. CookingPost #1
This post has received a 0.03 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.
Thanks. Maluto nga😊
pwede ding palitan ng dahon ng sili yung malunggay. Pwede ka magpalit. pag di mo gusto palitan mo hindi yung pipilitin mo sarili mo sa bagay na ayaw mo naman tlga 😢😂✌️️
Grabe ang tinola di ko makakain Yan andaming hugot..lol 😂😂😂
hahahahaha! ganon naman po tlga minsan, Minsan kahit ibigay mo na lahat. Kahit madami ka ng binigay hndi padin sapat 💔😂✌️️
Dapat lahat sakto Lang lahat para ok😂😂😂
Kamusta sheshebaylosis! Welcome to @cookwithus!
Mukhang masarap yung entry mo. Of course kasi tinola!
Baka gusto mong isali itong post mo sa cookwithus contest. Kung interesado kang mag-join, pakitingnan mo yung contest rules sa link sa baba. Basically, ang kailangan mo lang gawin ay:
So ito yung post:
https://steemit.com/cookwithus/@cookwithus/cook-with-us-is-now-accepting-entries-for-week-1-favorite-family-recipe
May oras ka pa to join kasi deadline is Monday 8 pm Philippine time. Yung premyo ay 1st place - 5SBD, 2nd is 3 SBD and 3rd is 1 SBD.
Paki-check rin yung calendar sa post namin kasi baka interesado ka sa future weeks.
Sabihin mo lang kung may tanong ka. Salamat!
looks lovely ... though I cant actually read it ...lol ...