Ang @steemph.cebu ay kabilang sa proyektong itinatag ng @sndbox, ang "proyektong sndcastle". Bilang isang sndcastle, gusto ng @steemph.cebu na gumawa ng mga uri ng paligsahan o patimpalak kung saan maipapakita ng mga Pilipinong Steemian ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng kahit anong klase ng literatura. Ito rin ay isang paraan para magkaroon ng interaksyon ang mga Pilipino sa isa't isa. Hinihikayat namin ang lahat na Pilipinong Steemian na lumahok sa mga paligsahang bubuohin namin sa Steemit. Ito ay para sa inyo! Palawakin ang Wikang Filipino!
Ano ang isusulat?
Maikling Kuwento
Kuwento na maaaring totoo o fiction lamang. Hindi dapat lalagpas sa 500 na salita at hindi bababa sa 300.
Tema ng Maikling Kuwento
Himala
Ito ay mga kuwentong nagpapahayag ng mga himalang nangyari sa buhay ng may akda. Maaari ring tungkol sa isang bagay na fiction o hindi-fiction na kaugnay sa himala na tema ng paligsahan.
Mga Alituntunin na dapat sundin sa pagsali
- I-resteem at i-upvote itong post.
- Ang gawang literatura ay dapat isulat sa wikang Filipino
- Gamitin ang tag na #literaturang-filipino at #himala
- Ilagay sa pamagat ang: "Literaturang Filipino"
- Gumawa lang ng isang nilalaman o gawa.
- Ilathala ang gaw sa loob ng 6 na araw pagkatapos malathala ang anunsyo.
Higit sa lahat, Sundin ang mga alituntunin sa pagsali!
Pagbabasehan ng Mananalo
Ang pagbabasehan ng mananalong gawa ay:
- Dami ng mga salita o pangungusap o parilalang ginamit.
- Ganda ng pagkagawa
- Kaugnayan sa Tema o Paksa at
- Dami ng boto galing sa ibang Pilipino
Gantimpala
May tatlong mananalo sa paligsahan:
- 1st - Makatatanggap ng 5 SBD
- 2nd - Makatatanggap ng 3 SBD
- 3rd - Makatatanggap ng 2 SBD
- 4th - Makatatanggap ng 1 SBD
- 5th - Makatatanggap ng 1 SBD
Layunin ng @steemph.cebu na maibuklod ang kumunindad ng mga Pilipino sa buong Steemit. Suportahan ang @steemph.cebu at ang @sndbox.
Kaibigan ito ang aking likha para sa inyong patimpalak. Iyo sanang mabasa at maibigan.
https://steemit.com/literaturang-filipino/@filipino-poetry/literaturang-filipino-ang-anghel-nang-aking-buhay-hango-sa-tunay-na-pangyayari
Natapos ko ng i-upvote at resteem ang post na ito.. Nais ko pasalamatan si @tagalogtrail sa pagbibigay-alam tungkol sa patimpalak ninyo @steemph.cebu . Good luck sa kapwa ko mga kalahok.
Narito na ang aking entry, nawa'y mabasa nyo po.
https://steemit.com/literaturang-filipino/@rodylina/literaturang-filipino-angel-na-tagapag-alaga
Ayun may paligsahan ulit. Salamat @steemph.cebu sa bagong patimpalak! Hindi ko na mahintay ang mga akda nilang magaganda. 😍 😍
mukang maganda ito kaibigan. sasali ako sa patimpalak na ito ipakita natin ang husay natin filipino sa larangan ng pag-gawa ng isang kwento at mga tula!
na upvote ko na po at naresteem. Isisusunod ko po ang aking entry :)
Na-miss ko ang sumali sa inyong paligsahan. Salamat @steemph.cebu
Ito na ho ang aking entry. https://steemit.com/literaturang-filipino/@nikkabomb/literaturang-filipino-grasya-na-disgrasya
https://steemit.com/literaturang-pilipino/@ryancalaunan/literaturang-filipino-natuto-sa-panaginip
Ito po ang aking entry
Ito po ang aking tugon sa inyong patimpalak
Naway inyong maibigan.
Maraming Salamat po @steemph.cebu sa inyong inisyatibo :)
https://steemit.com/literaturang-filipino/@beyonddisability/literaturang-filipino-ang-puting-bag
Ito po ang aking entry https://steemit.com/literaturang-pilipino/@brapollo29/literaturang-filipino-galos-mula-sa-pagkabaon
Nais ko pong magpasalamat sa Steemph.cebu sa pagawa ng ganitong klaseng patimpalak. Sanay inyong tangkilikin at mahalin ang literang filipino.
Sanay inyong mapag-alaman ang himilang ginawa ng Diyos sa aking buhay. sa pamamagitan sa pagkclik sa link.
https://steemit.com/literaturang-filipino/@bitterpie/literaturang-filipino-himala-ng-pagbabago
Magandang araw po! Ito po ang aking entry.
Hi po, ito po ang aking entry. https://steemit.com/literaturang-filipino/@googled/literaturang-filipino-ang-pagsisisi
Hello @steemph.cebu heres my entry hope got this hehehe
https://steemit.com/literaturang-filipino/@aiyeecanoy/literaturang-filipino-may-panginoon
Nawa'y maibigan po ninyo. 😄Heto po ang aking akda para sa patimpalak ng @steemph.cebu https://steemit.com/literaturang-filipino/@johnpd/literaturang-filipino-sampung-segundo
Nawa'y maibigan po ninyo. 😄Heto po ang aking akda para sa patimpalak ng @steemph.cebu https://steemit.com/literaturang-filipino/@johnpd/literaturang-filipino-sampung-segundo