Tipid Tips by Seantrepreneur

in #business7 years ago

Para mga empleyado, freelancer, at negosyante.

FB_IMG_1505358809467-01.jpeg

  1. Sa mga Employee, hwag mag hiyang magbaon sa trabaho. Mas nakakatipid to kaysa bumili ka ng Jolibee, McDo, at makisabay sa starbucks ng mga katrabaho. Tandaan mo, pagkaen pa din ang binabaon mo. Pang laman tiyan pa din yan at pang tawid gutom sa trabaho. Maging maagap din para hindi malate at extra gastos sa transportation mo.

  2. Labanan ang sales, loan, at iba pang liabilities. Minsan hindi mo naman talaga kailangan, binibili mo pa kasi sale nga di ba ? Minsan wala ka naman talagang pera, sige pa banat mo sa credit card mo ? Ending dami mong babayaran na utang, ending dami mong liabilities, ending halos lahat ng shift sa trabaho mo kukunin mo na para lang kumita ng pera. Kasalanan mo eh, bibili ka ng isang bagay para lang mag pa impress sa tao di mo naman pala kayang panindigan. Liabilities means bagay na binabayaran at di nag proproduce ng pera, in short masabi lang na meron ka at sayo yun.

  3. Iwasang mangutang. Alam mo ba ang loan ay pinabangong utang yan ? Akala mo biglang yaman ka sa pera na ni loan mo, pero di mo alam minamagnet ka na sa trabaho mo na 8 hours a day para lang mabayaran ang loan na yan. Masakit ba ang katotohanan na nagtratrabaho ka na lang para sa utang ? Nasaan na ang pangarap mo ? Etsapwera na lang ? Aba aba ! Nabuhay ka sa mundo para di magtrabaho habang buhay !

  4. Set goals, at enjoy life. Minsan hindi naman masama ireward ang sarili mo ng isang bagay na gusto mo pinaghirapan mo yan eh, pero hindi naman kada sahod sa inuman, gimikan, sales, at kung ano ano pang kawaldasan napupunta ang pera mo. Tigilan mo yang YOLO mo na pananaw baka mamatay ka na lang diyan di mo pa naabot pangarap mo. Mag set ka ng goals at gawan mo ng plano sabay execute mo. Sa ganitong paraan di lang pera matitipid mo kundi pati oras na makakasama mo ang pamilya mo at mas mag eenjoy ka pa. Tama ba ?

  5. Humanap ng extrang pagkakakitaan, okay bago ang lahat, lilinawin ko lang ah. Ang pagbebenta ng kung ano ano ay extra income, nagkataon lang na nasa Networking ako at ito pinili ko na extra income pero it doesn't mean na yung raket mong yan di na yan extra income. Banat lang ng banat ! More sources of income, more chances of achieving the dream life that you wanted. Kapag nagising kang walang goals, tulog ka na lang ulit. Ganun lang yun !

  6. Mag ipon. Ang pinaka mahirap gawin na madaling sabihin. Tama ba ? Daling magsabi na "Bukas mag iipon na ako" eh nakita mo may sales, "Next time na lang". Ang pag iipon ay hindi parang New Year's resolution mo, tokis. Ang pag iipon ay may reason para naman may bubunutin ka sa oras ng pagngangailangan hindi yung bahala na si Batman. Kung nabubuhay lang si Batman baka sinampal ka ng tsinelas na Alpombra nun. Mag set ka ng ipon goals mo. Ito tip, kapag sahod mo divide mo sa 3. 70% 20% 10%. Yung 20% ipon mo na, hwag galawin ah. Yung 10% good deeds, gumawa ka kasi ng mabuti sa kapwa para i bless ka pa. 70% ayan na ang budget ng pamilya mo. Hwag ng maarte, kung tuyo at itlog man ang ulam niyo, at least may kinakaen kayo at walang utang at kung may mag kasakit man ay may panghuhugutan.

  7. Mag invest. Ayan ayan ayan !! Masakit ba sa mata ?? Investment kasi eh. Parang gastos na naman yan. Pero di mo ba naisip nung nag invest ka ng 9 months sa tiyan ng Girlfriend mo at hindi ka pa handa eh mas masakit pa sa mata ang nangyare sa buhay mong yun ? Isipin mo, anong ipapakaen mo sa kanila ? Hangin ? Saan mo sila ititira ? Sa paso ? Kapatid, gising ! Ang investment ay isang bagay na makakatulong sayo in the long run. Hwag kasing utak instant, kaya buhay nagiging instant eh. Think of the longer side, para mahaba din buhay mo. Gusto mo instant yaman ka pero instant deads ka naman. Mamili ka ? Instant or long run ? Isa sa investments is yung savings mo sa bank na ididistribute mo sa insurance, healthcare, and more. Pero hinay hinay lang din, dapat eh palag palag ang income. Mahirap naman na puro ka investment gutom na pamilya mo. I balance mo.

  8. Live to express not to impress. Dami kasi sa atin gusto sumabay sa lifestyle ng kakilalang mayayaman. Kumita lang ng malaki, life style din lalakehan. Anung klaseng pag iisip yan ? Pasintabi sa mga OFW, pero mostly di ba ganyan yung iba ? Ipapadala lahat ng pera tapos ang resulta sa Pinas ibibili pala ng bagay na di naman talaga kailangan. Ito pa malupet na dahilan "Hayaan mo na, nung bata pa ako di naman naranasan mag ka ganyan eh." So, gusto mo kapag tumanda yung anak mo danasin rin hirap mo ganun ? Very wrong ! Kaya advice ko sa OFW palagi, hwag ipadala lahat ng salapi matutong magtira para di maging tamad yung mga nasa Pinas. Aba ! Di ka naman nakaupo diyan sa ibang bansa at pipirma ng cheque, pera na. Di ba ? Yung iba naman mga travel galore pulubi later. Kamusta naman di ba ? Dahilan na naman nila "Sabi mo mag relax ?" Sige nga, anong nkakarelax na after mong mag travel wala ka ng savings at may trabaho ka na namang dapat atupagin na 8 hours a day. Ang i goal mo na makapag travel ka eh yung di mo iintindihin na Monday na ulit, trabaho day na ulit. I goal mo na makapag travel ka at kumikita habang nagtratravel. Ganun !

Mostly diyan for employees pero ito naman tipid tips ko sa ibang nag bubusiness diyan, tho alam ko na may tipid system kayo pero try to apply this baka makatulong.

  • Invest over profit. Mostly mga negosyante kumita lang ng konte akala milyonaryo na sila. Engk. Wrong ! Mag invest ulit kayo sa business niyo para umikot ang pera. Mag invest kayo sa sarili niyo para lumago din ang negosyo niyo. Bigger business, bigger profit.

  • Maging abangers ! Kung sa employee iiwasan ang sales sa business abangers ka sa sales. Why ? Maliit lang ang lalabas mong pera doon pero malaki income. Kahit seasonal na kita yan, malaking income pa din yan.

  • Drop everything. Kung maaari daily expenses niyo ilista mo. (Applicable din siya sa employee) para malaman mo kung kumikita ka ba talaga or paluge ka. Kahit piso ilagay mo. Pera pa din yan.

  • Challenge your productions. Mag trial and error ka sa business mo. Mag innovate ka, hwag kang makuntento sa nakaka survive business mo. You are in business. Kapag di ka nag upgrade kakainin ka ng malalaking company. Innovate.

Ayan lang po lahat ng nasa isip ko sana nakatulong, feel free re esteem.

Sort:  

Hi! I am a robot. I just upvoted you! I found similar content that readers might be interested in:
https://www.facebook.com/pesosenseph/posts/777560412428711

This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond