Kilala ang Doctrina Christiana (1593) bilang pinakaunang aklat na naimprenta sa Pilipinas. Naglalaman ito ng panitik ng mga Tagalog na kilala sa pangalang Baybayin.
Sa Doctrina Christiana, ang mga simbolo ng Baybayin ay makikita sa ganitong ayos:
A, O/U, E/I, Ha, Pa, Ka, Sa, La, Ta, Na, Ba, Ma, Ga, Da/Ra, Ya
NGA, Wa ||
Ang labing-apat (14) na mga katinig na may patinig /a/ ay may kasamang mga kudlit sa itaas (') at sa ibaba (,) upang maipakita ang paraan ng pagbasa nito. Kapag ang kudlit ay nasa itaas ng katinig, ang kasamang patinig /a/ nito ay nagiging /i/ ang bigkas o basa. Kapag ang kudlit ay nasa ibaba naman ng katinig, ang kasamang patinig /a/ nito ay nagiging /u/ ang bigkas o basa.
Baybayin 17 [BA17/B17]
Sa Doctrina Christiana, ang Baybayin ay tinawag na "El abc en legua tagala" o "Ang abc sa wikang tagala."
Ang Baybayin ng Doctrina Christiana ay basehan ng "B17" [BA17] o Baybayin 17 dahil ito ay may labimpitong (17) simbolo o karakter [3 patinig, 14 katinig].
Ngunit labimpitong (17) simbolo ng Baybayin lamang ba ang makikita sa Doctrina Christiana?
Patpat na Bantas
Sa Doctrina Christiana, ang Baybayin ay may kasamang dalawang patpat ||.
| - Ang patayong guhit na makikita na kasama ng Baybayin ay tawagin nating "patpat" dahil ito ang katumbas sa Tagalog ng "stick" o "danda" na ginagamit bilang bantas sa paghihiwalay ng mga salita o pangungusap sa panitik ng India na Devanagari.
Ang patpat ba ang kakaibang simbolo o karakter ng Baybayin?
Kakaibang Simbolo ng Baybayin
Natuklasan ang kakaibang simbolo ng Baybayin sa Doctrina Christiana ni Ramon Guillermo, isa sa mga may-akda ng 3 Baybayin Studies. Siya rin ang sumulat ng Ating Panginoon Sisu Kitu: The Tagalog Baybayin Text of the Doctrina Christiana of 1593 and the Legend of Unreadability (2017).
Tinawag ni G. Guillermo ang isang karakter ng Baybayin sa Doctrina Christiana na di-kilala.
Ayon sa kanyang saliksik, ang kakaibang simbolo na ito ay kamukha ng isang simbolo sa panitik ng Bisaya na inilathala ni Domingo Ezguerra noong 1747. Ang di-kilalang simbolo ay ipinakilalang /Sa/ na may ganitong anyo:
Tignan natin ang simbolong /Sa/ sa Baybayin o Alfabeto Visaya ni G. Ezguerra mula sa aklat na Estudio de los antiguos alfabetos Filipinos (1895) ni Cipriano Marcilla.
Magkahawig ba ang di-kilalang simbolo ng Baybayin sa Doctrina Christiana at ang /Sa/ ni G. Ezguerra?
Upang ikumpara pa ang anyo ng kakaibang simbolo sa ibang panitik sa rehiyon, tignan natin ang tsart na Alphabets des Philippines mula sa aklat na Luson et Palaouan (1887) ni Alfred Marche.
Sa tsart na ito ay may panitik Bisaya at ang /Sa/ rito ay hindi kamukha ng /Sa/ ni G. Ezguerra.
Kapansin-pansin naman ang simbolong /Ta/ sa panitik Pampango at kapag binaliktad ito ay makikita ang pagkakahawig sa di-kilalang simbolo ng Baybayin sa Doctrina Christiana.
Sa ating pag-aaral, ang mga simbolo ng Baybayin sa Doctrina Christiana ay higit pa sa labimpito (17). Ang kakaibang simbolo ay maaaring katinig nga na /Sa/ ngunit lumalabas na typo ang di-kilalang simbolo.
Tanong: Dahil sa paglabas ng di-kilalang simbolo ng Baybayin sa Doctrina Christiana, masasabi pa ba natin na labimpito (17) lamang ang karakter ng panitik Tagalog? Bakit magkakaiba ang mga simbolo ng Baybayin Tagalog? Ang mga katutubong Tagalog ba noon bago pa dumating ang mga Kastila ay may kanya-kanyang simbolo ng Baybayin?
Tungkol naman sa Doctrina Christiana, ang di-kilalang simbolo ng Baybayin ba rito ang nagpapatunay na idinagdag lamang ang panitik Tagalog sa pag-imprenta noong 1593?
Ano ang inyong masasabi?
Makikita online ang di-kilalang simbolo na ito sa kopya ng Doctrina Christiana ng Project Gutenberg sa pang-[45] na pahina o lokasyon.
Sumali sa aming diskusyon sa Facebook:
FB Page | Baybayinista
FB Group | Baybayinista
BAYBAYIN: B17 Ang Tunay na Baybayin
Sulong Baybayin Abril 21 #SBA21
Congratulations @baybayin! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
Click here to view your Board
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
To support your work, I also upvoted your post!