Noong 1595, isang abugadong Kastila ang dumating sa Maynila upang magsilbi sa ilalim ng Gobernador-Heneral Luis Perez Dasmariñas bilang Tenyente. Kilala siya sa pangalang Antonio de Morga at sa kanyang paninilbihan sa loob ng 43 taon ay nakapagsulat siya ng aklat na isinalin sa Ingles na The Philippine Islands, Moluccas, Siam, Cambodia, Japan, and China, at the Close of the Sixteenth Century (Hakluyt Society, 1868). Dito ay matatagpuan ang isang kopya ng alpabetong Tagal na tinatawag natin sa pangalan na Baybayin.
Ayon kay G. Morga, ang alpabetong Tagal o Baybayin ay may tatlong patinig at labindalawang katinig.
BA15 (Alpabetong Tagal)
Tawagin nating BA15 o B15 ang alpabetong Tagal. Ang BA15 ay may labinlimang simbolo o karakter ng Baybayin, tatlo (3) ang patinig [A, E/I, O/U] at labindalawa (12) ang katinig [Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Pa, Sa, Ta, Ya].
Ang bawat katinig ay may kasamang patinig na "A" at nagbabago ang sulat o pagbasa rito sa pamamagitan ng paglalagay ng kudlit na tuldok. Pinapalitan ang bigkas ng katinig na may patinig "A" kapag may kudlit sa ibabaw o ilalim nito. Sa katinig, ang kasamang "A" ay nagiging E/I kapag nilagyan ng tuldok sa ibabaw, at nagiging O/U naman kapag may tuldok sa ilalim.
BA15 — Tunay na Baybayin?
Masasabi ba natin na ang orihinal o tunay na Baybayin ay may labinlimang simbolo lamang?
Sa Tagalog Literature: A Historico-Critical Study (1931) ni Eufronio Melo Alip ay makikita ang isang tsart na may mga simbolo ng Baybayin at sa aklat na ito ang Baybayin ay tinawag na "Original Tagalog Alphabet":
Tinawag ni G. Alip ang alpabetong Tagalog na Baybayin at sinabi niya na ito ay may 3 patinig at 12 katinig. Nang maglaon, ang 12 katinig ay naging 14.
Ayon pa kay G. Alip, ang 3 patinig ng Baybayin ay A, E, at O. Ang 12 katinig naman ay Ba, Da, Ga, Ha, Ka, La, Ma, Na, Pa, Sa, Ta, at Ya.
May pagkakaiba man ng kaunti ang binanggit na 3 patinig na A-E-O ni G. Alip sa karaniwan na A-I-U ay parehas naman ang kanyang 12 katinig ng Baybayin ayon sa isinulat ni Henry Stanley na nagsalin ng aklat ni G. Morga.
Si G. Stanley ang siyang naglabas ng kopya ng alpabetong Tagal na kinuha niya mula sa Relation des iles Philippines por un Religioso (1600s ?) ni Melchisedec Thevenot na isang awtor na Pranses.
Ito ang BA15 ni Melchisedec Thevenot:
Walang binanggit na mga katinig na NGa at Wa sina G. Morgan, G. Thevenot at G. Alip sa kanilang sinaunang Baybayin o alpabetong Tagal/Tagalog kaya ang bilang ng mga simbolo ay labinlima lamang.
Ayon naman kay Fletcher Gardner sa kanyang aklat na Philippine Indic Studies (1869), kinuha ang kopya ng alpabetong Tagal sa isang monghe na kinilala niyang si Pedro Chirino ngunit walang binanggit na pangalan si G. Thevenot o G. Morga.
Sa pag-aaral ni G. Gardner, ang bilang ng mga katinig ay binabase lamang sa kinakailangang ponetika ng bawat wika.
Sumali sa aming diskusyon sa Facebook:
FB Page | Baybayinista
FB Group | Baybayinista
BAYBAYIN: B17 Ang Tunay na Baybayin
Sulong Baybayin Abril 21 #SBA21