Happy New Year.😊
Kahit gaano tayo kagaling o katalentado, kung hindi natin nagagamit sa tamang lugar ang talento natin ay masasayang lang ito.
Hindi lang ito sa talento natin, ganito rin sa buhay natin. Kung ipipilit natin na mamuhay ayon sa kagustuhan natin, masasayang ang buhay natin dahil darating ang panahon marerealize natin na walang kahulugan at layunin ang buhay natin. Dahil kahit maging pinakamayaman ka pa sa mundong ito, kung nasa dulo ka na ng buhay mo, ang itatanong mo parin sa sarili mo ay “para saan lahat ng nagawa at pera ko? patapos na ang buhay ko, ano ang susunod?“
Napaka-iksi lang ng buhay natin sa mundong ito, kaya kung mamumuhay lang tayo para sa mundong ito ay sayang ang buhay natin. Kaya napakahalaga na matutunan natin at mabago ang pananaw natin na ang buhay ay higit pa sa mundong ito, na meron pang susunog pagkatapos ng oras natin sa mundong ito, na totoo ang langit at impyerno at ang wala ng oras sa mga lugar na iyon dahil walang katapusan o eternal na doon.
Kaya sana mapaalalahanan tayo ngayong araw na lahat ng gagawin natin para sa mundong ito ay sayang lang kung walang impact ito sa eternity. Dahil ang mga bagay na may impact lang sa eternity ang mapapakinabangan natin. At magagawa lang natin ang mga bagay na may impact sa eternity kung meron tayong personal na relasyon at pananampalataya kay Hesu Kristo dahil Siya lang ang kayang magbigay sa atin mg buhay na walang hanggan at Siya lang ang kayang magdala sa atin sa lugar na magagamit natin ang mga talento na ibinigay Niya sa atin sa mundong ito para magkaroon ng impact sa eternity.
Kaya sana ngayong araw ay magdesisyon tayo na ibigay ang buhay natin kay Hesus para magkaroon ng meaning at eternal purpose ang mga buhay natin.
Photos are mine and taken by me using my A10s
@ San Fenando City, Philippines
Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)