Eto yung madalas sindihan at inumin ng mga taong walang pera. Budget drink kumbaga. Sa halagang 50 e malalasing mo na buong pamilya mo sama mo na yung tiyo mo na laging kasama ng tatay mo sa sabong.
Pero eto pre tangina malupit to. Napakadaming paraan sa kung papano mo to iinumin. Pwedeng Gin + Tubig kung gusto mo na mamatay ng maaga dahil sunog atay kang hayop ka, gin kalamansi (pipiga ka lang ng kalamansi kada isang shot), o kaya kung may chaser ka na paghahaluan.
But wait, there's more! Pwede ka dito magchemistry pre. Yun yung tinatawag nilang "Sindi". Bale itatapon mo yung gin sa chaser pero mag-iiwan ka ng konti. Dapat sa pitsel nakalagay yung chaser mo. Saka mo sisilaban ng posporo (lighter kung malaki bayag mo) yung bunganga ng bote na may konting alak. Pagka sindi e mag-aapoy yan. Dapat mabilis ka dyan pre. Isasalok mo ang boteng may apoy sa chaser tapos hihigupin niya yun. Medyo delikado pero pre nag-chemistry ka. Masarap ang lasa depende sa timpla at sindi.
Kadalasan tong iniinom ng mga tatay na alas syete pa lang ng umaga e naglalasing na, ng mga menor de edad na maglalabas lang ng pitsel e sa gilid na ng kalsada iinom, at ng mga estudyanteng naubusan ng pera kakalibre sa mga syota nila.
Pero eto kakaiba tama neto pre. Nakangiti ka pa din kahit lasing ka na tapos dito niyo mararanasang magkwentuhan tungkol sa ekonomiya ng bansa.
Recommendations:
- Try niyo yung Ginoco (Gin, tatlong Choc-O saka yelo) pre sobrang sarap neto. Less than 100php lang makakainom ka na ng alak na mapapatae ka kinabukasan.
- Mas maganda kung mas madaming sindi yung gagawin mo dahil mas matatanggal yung aftertaste ng alcohol
Lasa:
4/10 (Walang halo)
7/10 (may halo)
9/10 (may sindi)
Flexibility: 11/10
Tapang: Tama lang depende talaga kasi e tangina naman
Chaser: Tang
Hi! I am a robot. I just upvoted you! I found similar content that readers might be interested in:
https://www.facebook.com/tagmotropa/
Cool! I follow you. I give you a vote!
Congratulations @tawki! You have received a personal award!
1 Year on Steemit
Click on the badge to view your Board of Honor.
Congratulations @tawki! You received a personal award!
You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!